Christian Song Lyrics

Christian Lyrics Online!

Lupa Lyrics- Gary Valenciano

“Lupa” Lyrics
by: Gary Valenciano

RAP:
Kaya`t pilitin mong ika`y magbago
Habang my panahon magbago
Pagmamahal sa kapwa ay
Isipin mo`t magbago

Nagmula sa lupa
Magbabalik nang kusa
Ang buhay mong sa lupa nagmula
Bago mo linisin
Ang dungis ng iyong kapwa
Hugasan mo `yong putik sa mukha

At kung ano ang di mo gusto
`Wag gawin sa iba
Kung ano ang iyong inutang
Ay siya ring kabayaran

Sa mundo ang buhay
Ay mayro`ng hangganan
Dahil tayo ay lupa lamang

Refrain:
Kaya`t pilitin mong ika`y magbago
Habang may panahon ika`y magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo

(Instrumental)

RAP:
Hindi pa huli ang lahat
May panahon pa para ika`y magbago
Mahalin ang iyong kapwa nang buo mong pagkatao
Iwasan ang lahat ng masamang gawain
Gumawa ka ng mabuti at ika`y pagpapalain
Huwag susuko sa `yong mga problema
Habang ika`y may buhay may natitirang pag-asa
Matuto kang magpatawad
Huwad kang maging mayabang
Isiping sa ibabaw ng mundo tayo ay lupa lamang

At kung ano ang di mo gusto
`Wag gawin sa iba
Kung ano ang iyong inutang
Ay siya ring kabayaran

Sa mundo ang buhay
Ay mayro`ng hangganan
Dahil tayo ay lupa lamang

Refrain:

Kaya`t pilitin mong ika`y magbago
Habang may panahon ika`y magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo

Lupa Lyrics- Gary Valenciano