Balita ko`y nais mong bumigay
Sa tindi ng problema
Nais mo raw bumitaw
Huwag kang mawawalan ng pag-asa
Hindi ka nag-iisa
Sa hirap at ginhawa
Kaibigan may kasama ka
Kahit na anong pagsubok
Kahit na ano pa`ng dumating
Kahit na kahapon mo`y kay dilim
Araw ay sisikat din
Kaibigan ba`t hindi ka magdasal
Isiping laging may nagmamahal
Tunay na magkaibigan
Walang iwanan
Kumulog, bumagyo, makalbo man ang ulo
Lumahar, kumidlat, tumaba o pumayat
Tumanda, bumaha, iwan ka man ng iyong asawa
Hindi ka nag-iisa
Kaibigan may kasama ka
(Kaibigan, may kasama ka)
Malayo man ang pangarap
Maaabot mo rin
Basta`t ika`y magsikap
Malayo ang mararating
Huwag lang mawawalan ng pag-asa
Hindi ka nag-iisa
Sa hirap at ginhawa
Kaibigan may kasama ka
Kumulog, bumagyo, makalbo man ang ulo
Lumahar, kumidlat, tumaba o pumayat
Tumanda, bumaha, iwan ka man ng iyong asawa
Hindi ka nag-iisa
Kaibigan may kasama ka
(Kaibigan, may kasama ka)
Kumulog, bumagyo, makalbo man ang ulo
Lumahar, kumidlat, tumaba o pumayat
Tumanda, bumaha, iwan ka man ng iyong asawa
Hindi ka nag-iisa
Kaibigan may kasama ka
(Kaibigan, may kasama ka)
Laging may kasama ka