Manatili Ka Lyrics- Bukas Palad Music Ministry

Manatili Ka Lyrics
Bukas Palad Music Ministry

Manatili ka kahit sandali
Hihilumin Ko ang iyong hapdi
Bakit lagi nang nagmamadali
Di malilisan ang ‘yong pighati

Isaysay sa ‘Kin lahat mong pait
Yayakapin Ko lahat mong sakit
Manahimik na’t mata’y ipikit
Bubulungan ka ng ‘sang oyayi

Kailan titigilan ang ‘yong katatakbo
Kailan pipigilan pagpasan mo sa mundo

Manatili ka kahit sandali
Buuin muli ang ‘yong sarili
Magtiwala ka’t tayo’y magwawagi
Ang pulang ulap ay mahahawi




Manatili Ka Lyrics- Bukas Palad Music Ministry