Pananalig Lyrics
Bukas Palad Music Ministry
Sa puso kong umiibig
Walang nananaig
Kundi yaong pananalig
Sa Sintang iniibig
KORO:
Hindi Ka man masilayan
At init Mo’y maglaho nang tuluyan
Pag-ibig ko sa ‘Yo at katapan
Mananatili kailan pa man
Bawat tao’y nalulumbay
At di mapalagay
Hangga’t hindi nahihimlay
Sa puso Mong dalisay (KORO)
Pananalig Lyrics- Bukas Palad Music Ministry