Sa Iyo Lamang- Catholic Song Lyrics

“Sa Iyo Lamang” Lyrics
Tagalog Catholic Mass Song

Puso ko’y binihag Mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako’y iyo habang buhay

Aanhin pa ang kayamanan
Luho at karangalan?
Kung Ika’y mapasa’kin
Lahat na nga ay kakamtin

Koro:
Sa ‘Yo lamang ang puso ko
Sa ‘Yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa

Tangan kong kalooban
Sa Iyo’y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo
Tumalima lamang sa ‘Yo

(Koro)

Sa Iyo Lamang- Catholic Song Lyrics