Salamat Panginoon Lyrics- Musikatha

Salamat Panginoon Lyrics
Musikatha

Ikaw ay mabuti, bawat sandali
Sa habang buhay ay mananatili
Hindi mapapawi o maikukubli
Maging sa dilim ng gabi

Sandigang matibay, ang ‘Yong pangako
Lakas at pag-asa ng aking puso
Hindi na mabilang, pagkakataon
Patunay ng katapatan Mo

Sa dalamhati at sa kabiguan
Sa pagluha ng pusong nasugatan
Sa pagsubok na Iyong pinahihintulutan
Salamat, Panginoon
Sa katugunan sa aking dalangin
Sa kalakasang sa ‘Yo nanggagaling
Sa pagtuturo at pagtutuwid Mo sa ‘kin
Salamat, Panginoon

Ikaw ay mabuti, Ikaw ay tapat
Sa’Yo ang papuri at pasasalamat…

This is a song lyric for “Salamat Panginoon” Christian song by Musikatha. For any typographical error/s, please SUBMIT CORRECTION here. Thank you and God bless!




Salamat Panginoon Lyrics- Musikatha