Walang Pagmamaliw Lyrics- Bukas Palad Music Ministry

Walang Pagmamaliw Lyrics
Bukas Palad Music Ministry

Nagbabago ang kalikasan.
Naglalaho ang kagandahan.
Binabago ng panahon,
pati kahulugan ng kahapon.

Kumukupas ang karangalan.
Nalilimot ang pangalan.
Kung lahat na lang lumilipas,
ano kaya’ng di maaagnas?

REFRAIN
Isa lang ang di nagmamaliw:
ang pag-ibig Mo, giliw.
Sa mundong walang katiyakan,
pag-ibig Mo’y tanging sandigan.
Anuman ang aking sapitin,
makakaya ko’ng pasanin,
Ipabatid Mo lang sa akin,
ako’y mahal Mo pa rin.

Masumpungin ang damdamin,
malambing at matampuhin.
Kung nagmamaliw ang pangako,
saan kaya di mabibigo? REF

CODA
Isa lang ang di magmamaliw:
ang pag-ibig Mo, giliw.




Walang Pagmamaliw Lyrics- Bukas Palad Music Ministry