Christian Song Lyrics

Christian Lyrics Online!

Humayo’t Ihayag Lyrics- Bukas Palad Music Ministry

Humayo’t Ihayag Lyrics
Bukas Palad Music Ministry

Humayo’t ihayag (Purihin Siya!)
At ating ibunyag (Awitan Siya!)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang Siyang sa mundo’y tumubos

KORO:
Langit at lupa, Siya’y papurihan
Araw at tala, Siya’y parangalan
Ating ‘pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
Aleluya

Halina’t sumayaw (Buong bayan!)
Lukso sabay sigaw (Sanlibutan!)
Ang ngalan Niyang angkin singningning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin (KORO)

At isigaw sa lahat
Kalinga Niya’y wagas
Kayong dukha’t salat
Pag-ibig Niya sa inyo at tapat

Humayo’t Ihayag Lyrics- Bukas Palad Music Ministry